Mga kababayan,

Ang unang halalan sa BARMM ay isang makasaysayang hakbang tungo sa sariling pamamahala, kapayapaan, at inklusibong pag-unlad ng mga Bangsamoro.

Panawagan natin sa lahat ng kandidato, partido, at stakeholder na panatilihin ang isang mapayapa, maaasahan, at transparent na proseso ng halalan. Hinihikayat namin ang mga mamamayan ng BARMM na gamitin nang responsable ang kanilang karapatang bumoto at pumili ng mga lider na tunay na maglilingkod para sa mabuting pamamahala at kapakanan ng Bangsamoro.

Nawa’y higit pang mapatatag ng halalang ito ang demokrasya, kapayapaan, at pagkakaisa sa rehiyon.

Shukran

Sara Z. Duterte Vice President of the Philippines

See statement